Kawalan ng Trabaho

Ang Kawalan ng Trabaho ay isang suliraning panlipunan na kinakaharap ng ating bansang Pilipinas noon hanggang sa kasalukuyan. Bawat araw na dumaraan o lumilipas, hindi pababa kundi pataas pa nang pataas ang bilang ng mga taong walang hanapbuhay. Base sa ulat, nagtala ang Pilipinas ng 7.3% unemployment rate noong nagdaang taon, na pinakamataas sa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang National Capital Region (NCR) na kinabibilangan ng Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. Sinabi ng pamahalaan na may 3.899 million na ang walang trabaho nitong January 2004. Mataas na ang bilang nito kumpara noong October 2003 na may 3.554 million lamang. Noong January 2003, may 3.559 million na walang trabaho at mababa nga ito kumpara sa kasalukuyan. Talagang kapansin-pansin ang laki ng itinataas na bilang ng mga taong walang trabaho.

 

20988029_1567416799995422_1316178993_n

 

Isa na sa mga sanhi ng Kawalan ng Trabaho ay ang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng nagsisipagtapos sa kolehiyo at bumababa naman ang bilang ng porsiyento ng nangangailangan ng manggagawa. Dahil dito, nahihirapang maghanap ng mapagtatrabahuhan ang mga nagsipagtapos. Nahihirapan rin silang maghanap ng trabaho dahil sa puno na o wala ng vacant ang nais nilang pasukan na trabaho. Kahirapan rin ang isa sa mga sanhi kung bakit ang iba’y walang trabaho. Dahil mababa ang tingin ng karamihan sa mahihirap. Kung minsan nama’y kasalanan rin ng iba kung bakit wala silang trabahong napapasukan. Dahil narin ito sa pagiging mapili o maarte sa matatanggap nilang sahod. Humahanap sila ng trabahong agaran silang pasasahurin ng mataas. Hindi naman agad ganoon sapagkat bago pa lamang at kailangang pagtrabahuhan iyon. Isa itong Neoklasikong Ekonomiya. Isa pa ang pagbabawas ng manggagawa dahil sa mahina ang kita nito. Kailangang gawin iyon sapagkat magbabawas na nang ilalabas na produkto dahil wala namang gaanong bumibili. Atsaka kung hindi pa magbabawas ng manggagawa ay wala nang ipapasahod sakanya. Isa itong Klasikong Ekonomiya. Ang Austriang Pang-ekonomiya naman ay mga naghahanap ng trabaho na pumipili ng posisyon. Kung kaya’t wala silang mapasukang trabaho dahil gusto nila’y sila agad ang nasa mataas na posisyon. Hindi ba’t, napakagulo ng ating kinakaharap sa kasalukuyan? Sa ganitong sitwasyon, uunlad pa ba ang mamamayang Pilipino?

olo

Nakapipinsala naman ang Kawalan ng Trabaho sa kinabukasan ng bawat tao.  Dahil lahat tayo ay may responsibilidad at may dapat gampanan hindi lang sa ating pamilya kung hindi sa atin ring mga sarili. Sa trabaho kasi umaasa ang bawat isa para kumita at magkaroon ng sapat na pera para makabili ng ating pangangailangan sa pang araw-araw na pamumuhay. Dahil rin sa kawalan ng trabaho, tumatanda ang iba nating mamamayan ng hindi man lang nakapag-hanapbuhay. Paano nalang tayo kung ang bawat isa sa atin ay walang trabaho? Mananatili nalang bang lugmok ang ating bansa?

20917017_1567416956662073_728720922_n

20993365_1567411703329265_1708171008_o.jpg

20979884_1567476279989474_1329105931_n.jpg

May isyu rin ang kawalan ng trabaho sa ibang bansa gaya ng sa Indonesia kung saan may unemployment rate na 6%. Bumaba lang ng 1.3% sa ating bansa na may 7.3% na unemployment rate. Ang populasyon sa Indonesia ay 238 milyon. Sa aking paniwala, malaki ang kinalaman nang malaking populasyon ng bansa sa problema ng un­employment o kawalan ng trabaho. Sa patuloy na paglaki ng populasyon ay siya rin namang nagpapalaki ng bilang ng mga taong walang trabaho dahil sa bumababang porsiyento ng mga nangangailangan ng manggagawa.

Maiiwasan natin ang kawalan ng trabaho sa ating bansa kung  itutuon lang ng pamahalaan ang atensiyon sa sektor ng agrikultura, dito makalilikha nang maraming trabaho. Napakalawak ng pagkakataon na makalikha nang trabaho sa agriculture sector sapagkat napakayaman ng lupain. Kailangan lamang ay buhusan at pagtuunan ng atensiyon, suporta at mahusay na pamamahala para mapaunlad ang sektor na ito. Kung mapapaunlad, magkakaroon nang maraming pagkakakitaan, giginhawa ang buhay at sigurado, wala nang magugutom na mamamayan. Lahat ay liligaya sa bansang ito kung tayo ay magtutulungan para sa maganda nating kinabukasan!

Leave a comment